Hindi nababahala ang pamunuan ng Miss Universe Organization sa nakatakdang hosting ng Pilipinas sa prestihiyosong 65th Miss Universe Pageant.
Sa kabila ito ng nadiskubreng improvised explosive device o IED malapit sa U.S. Embassy sa Maynila at pagpapatupad ng terror alert level 3 ng Philippine National Police.
Sinabi ni Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson, chairman ng LCS group of companies na siyang namumuno sa host committee, kanyang siniguro ang kaligtasan ng mga kandidata ng naturang pageant at maging ang venues para sa pre-pageant activities ay aprubado ng PNP at iba pang law enforcement agencies.
Ang 65th Miss Universe Pageant ay gaganapin sa Enero ng susunod na taon.
By: Meann Tanbio