Inaprubahan na ni US President Barack Obama ang planong mag-deploy ng karagdagang 450 military personnel sa isang base sa lalawigan ng Anbar para sanayin at bigyan ng advise ng mga Iraqi forces laban sa Islamic State militants.
Ayon sa White House, nag-utos rin si Obama ng “expedited delivery of essential equipment and material” sa Iraqi forces.
Kasama na rito ang Peshmerga at tribal fighters na nag-ooperate sa ilalim ng Iraqi command.
By Mariboy Ysibido