Umaasa ang golf champion na si Tiger Woods na makukuha niya ang record 18 majors na minsan nang nakamit ni Jack Nicklaus.
Sa larong ipinamalas ni Woods sa Hero World Challenge, inamin nitong hindi pa ito lubusang nakababalik sa rurok ng galing sa paglalaro.
Sinabi rin ng 14-time golf champion, napapagod siya kapag medyo napapatagal na ang laro.
Gayunpaman, positibo si Woods na nakikita nyang may progreso sa kanyang performance.
Matatandaang nagpahinga ng mahigit isang taon mula paglalaro ng golf si Woods dahil sa tinamong back injury.
By: Avee Devierte