Inilibing na ang pinaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr sa isang public cemetery sa Leyte.
Nagsuot ng kulay puting shirt na may katagang “We Love you Daddy Onik” at “Fight for Justice” ang mga kaanak ni Espinosa habang naka-asul na shirt ang mga supporter ng alkalde.
Sinaksihan naman ng druglord na si Kerwin Espinosa sa pamamagitan ng video call ang paghahatid sa huling hantungan ng ama.
Nobyembre a-singko nang pagbabarilin ang nakatatandang espinosa ng mga miyembro ng PNP-CIDG Region 8 matapos umanong manlaban habang nakapiit sa Leyte sub-provincial jail sa Baybay city.
By Drew Nacino