Tahasang inakusahan ng Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacañang o CARMMA si Pangulong Rodrigo Duterte ng pakikipagsabwatan sa pamilya ng yumaong diktador Ferdinand Marcos.
Ayon sa CARMMA, kinukonsinte umano ng Pangulo ang mga Marcos sa pagkukubli ng mga krimeng nagawa ng mga ito nuong panahon ng batas militar.
Giit ng grupo, taliwas sa pangakong pagbabago ng Pangulo ang pinakabagong pahayag nito kung saan, binantaan ang mga grupong nagsusulong sa karapatang pantao na ipapapatay kapag lumala ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Malaking banta rin anila sa ganap na pagbabago ng bansa ang ginagawang pakikipagsabwatan ng Pangulo sa Pamilya Marcos lalo na sa mga nabiktima ng pang-aabuso sa ilalim ng rehimen ng yumaong diktador.
By: Jaymark Dagala