Wala pa rin namamataang Low Pressure Area (LPA) ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring makaapekto sa loob at labas ng ating bansa sa susunod na tatlong araw.
Asahan na sa ilang bahagi ng Mindanao kabilang na ang ARMM, Davao Region, Socsargen at Zamboanga Peninsula ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan kasama na ang thunderstorms o pagkidlat at pagkulog dulot ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITZC.
Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila, asahan na ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga isolated thunderstorms o ang panandaliang pagkidlat pagkulog pagdating ng hapon o gabi.
Ligtas pa rin maglayag ang anuman sasakyang pandagat dahil ang ating mga karagatan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman.
Kahapon sa Science Garden sa Quezon City, nakapagtala ng maximum temperature na 34.3 degrees celsius alas-3:00 ng hapon na may heat index na 39 degrees celsius.
By Mariboy Ysibido