Lumusob sa tanggapan ng NHA o National Housing Authority sa Quezon City ang grupo ng mga maralita para ipanawagan sa gobyerno ang programang pabahay.
Isinagawa ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap ang programang tinagurian nitong lakbayan ng maralita.
Matapos ang programa sa NHA tumulak pa Welcome Rotonda ang grupo para magsagawa ng hiwalay na programa.
Sinabi ni Gabriela Party List Representative Arlene Brosas na 5 buwan na sa puwesto ang Duterte Administration ay hindi pa rin malinaw ang programang pabahay para sa mga mahihirap.
Wala rin naman aniyang nagawa para sa mga maralitang walang bahay ang nagbitiw na HUDCC Chair Vice President Leni Robredo.
By: Judith Larino