Pinatawan ng parusang kamatayan ng isang korte sa saudi arabia ang 15 katao.
Ito’y bunsod umano ng pang-eespiya para sa Iran na kalaban ng kaharian.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga sinentensiyahan ay mga miyembro ng Shiite minority.
Itinanggi naman ng Tehran ang espionage charges kasabay ng panawagan sa Saudi na itigil na ang pambabato ng walang basehang akusasyon at pagpapataas ng tensiyon sa rehiyon.
Una nang pinutol ng Riyadh ang diplomatic ties nito sa Iran matapos sunugin ng mga demonstrador ang isang Saudi embassy at consulate bilang pagkontra sa pagpataw ng bitay sa isang Shiite cleric.
By Jelbert Perdez