Nagkasundo ang mayorya ng mga senador na huwag ipatupad ang dismissal order ng Ombudsman laban kay Sen. Joel Villanueva.
Ito’y nag-ugat sa umano’y maling paggamit ni Villanueva ng kanyang pork barrel funds noong miyembro pa ito ng Kamara.
Matapos ang mosyon ni senate majority leader Vicente Sotto iii, nagpasya ang mga senador na huwag kilalanin ang kautusan ng anti-graft body.
Kasunod na rin ito ng inilabas na opinyon ng senate legal counsel na nagsasaad na walang sapat na basehan para ipatupad ang dismissal order.
By Jelbert Perdez