Suportado ni Atty. Romulo Macalintal ang pagbibitiw ni vice president Leni Robredo sa gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Macalintal, ipinakita lamang ng bise presidente na mayroon siyang delikadeza at hindi siya kapit–tuko sa posisyon.
Naniniwala naman si Macalintal na mas makakabuti kung sa halip na text message ay sana tinawagan din si Robredo
Bahagi ng panayam kay Atty. Macalintal
Election Protest
Sa susunod na taon pa malalaman kung gaano kalalim ang aabutin ng election protest na isinampa ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos laban kay vice president Leni Robredo.
Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, lead counsel ni Vice President Robredo, na ito ay kapag itinakda na ng Korte Suprema ang petsa para sa preliminary conference sa kaso.
Binigyang diin naman ni Macalintal na sa ngayon ay nakahanda na ang kanilang mga testigo at ang mga tututok sa recount, kung ito ang magiging pasya ng Korte.
By Katrina Valle