Inaprubahan ng House Justice Committee ang report nito sa Substitute Bill na nagsusulong ng pagbuhay sa parusang kamatayan.
12 miyembro ng komite ang bumoto sa report 6 ang bumoto laban dito at 1 ang nag abstain.
Bago bumoto sa substitute bill 12-5 ang resulta ng botohan para ma aprubahan ang sub committee report hinggil sa naturang panukala.
Ibinasura rin ng panel ang mosyon para repasuhan ang kada linya ng nilalaman ng substitute bill.
Iginigiit kapwa nina Congressmen Edcel Lagman at Kaka Bag-Ao na wala silang nakikitang dahilan para ibalik ang death penalty.
Tinukoy naman ni Committee Chair Reynaldo Umali ang pagpatay sa isang kaibigan niyang hukom na inambush matapos i convict ang isang carnapping suspect bilang dahilan kayat kailangang ibalik ang parusang kamatayan.
By: Judith Larino / Jill Resontoc