May alok na gumawa ng pelikula, pero wala pa namang pormal na alok na maging running mate kay Batangas Governor Vilma Santos.
Ito ang inihayag ni Senador Ralph Recto sa harap ng mga napapabalitang inaalok si Governor Vi na maging running mate ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at noon ay napabalitang kinukunsidera rin ni Vice President Jejomary Binay na maging ka-tandem.
Ayon kay Recto, sa ngayon ay wala namang pormal na alok na natatanggap ang kanyang misis.
Aniya, ang mayroon lamang ay formal offer na gumawa ng pelikula kung saan makakasama ni Ate Vi sa pelikula ang kanyang future daughter in law na si Angel Locsin.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)