Nagpalabas ng ispesyal na panalangin ang Roman Catholic Archdiocese of Manila laban sa pagbuhay ng parusang kamatayan.
Pinasasama ng mga pari sa misa simula ngayong araw na ito ang “prayer against the death penalty” na uubrang gawin matapos ang post communion prayer o bilang bahagi na rin ng prayer of the faithful.
Inaasahang sa buong Christmas season ay magiging bahagi ng misa ang ispesyal na panalangin.
Ang hakbang ng Simbahang Katoliko ay kasunod nang pag apruba ng House Justice Committee sa substitute bill ng mga panukalang naglalayong buhayin muli ang death penalth para sa karumal dumal na krimen.
By: Judith Larino