Sinagot ni Senador Richard Gordon ang pagbatikos ni Senador Antonio Trillanes sa inilabas na report ng Senado kaugnay sa isyu ng extrajudicial killings.
Sinabi sa DWIZ ni Gordon na hirap si Trillanes na tanggapin ang resulta dahil inaakala nitong ang punto niya lamang ang tama.
Bukod dito, inihayag pa ni Gordon na ang kampo ni Trillanes pa ang nagpalutang ng DDS o Davao Death Squad at nagpalabas ng testigo sa katauhan ni Edgar Matobato subalit hindi naman ito napanindigan.
Binigyang diin ni Gordon na kumbinsido naman silang maraming patayan sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni Senator Richard Gordon
Gordon on possible ethics case vs. De Lima and Trillanes
Sa panayam ng DWIZ, sinabi rin ni Gordon na humingi na ng tawad sa kanya sina Senador Trillanes at Leila de Lima matapos na magkainitan sa nakaraang EJK hearing noong Oktubre.
“Nag-apologize na yan sa akin sina Trillanes right after the incident at nakausap ko na rin si Leila de Lima, naaawa rin ako sa kanya, pero huwag naman na nasa labas ka ng Senado tatawagin mong garbage ang committee report ng Senado, hindi ko naman pinapatulan, pero hindi maganda sa Senador na lalabas ka sa Senado at babanatan mo yung mga kasama mo, hindi maganda yan, dapat dun kayo.” Ani Gordon.
Idinagdag pa ni Gordon na ang integridad ay hindi lang dahil sa titulo kundi dapat nasa aksyon ng isang tao.
“I just pray we got elected senators who will remember that they got elected nationally, kaya ka nga tinatawag na honorable eh, honorable ba ‘yung senador na magtatanong nang hindi handa, balasubas ang mga accusations, pinapatayan ng mikropono ang kapwa senador?” Pahayag ni Gordon.
****
“Ang komiteng ito ay supposed to be ito yung nagbubunyag ng anomalya, pero ito ang ginagamit na pang-white wash”
Nawawala na ang independence ng senado.
Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, ito ay dahil nagagamit na ito para pagtakpan ang katotohanan.
Inihalimbawa ni Trillanes ang Committee Report ng Senado sa extrajudicial killings na nagsabing walang state sanctioned killings.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes
By Katrina Valle | Ratsada Balita | Judith Larino | Karambola