Kinasuhan ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato sa Ombudsman ang Pangulong Rodrigo Duterte at iba pa sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa tinaguriang DDS o Davao Death Squad.
Kabilang sa mga isinampang kaso ni Matobato laban sa Pangulo ay murder, kidnapping, paglabag sa Anti-Torture Act at Republic Act 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and other Crimes Against Humanity.
Sa kanyang affidavit, sinabi ni Matobato na lahat ng operasyon ay dumadaan kay Duterte bilang pinakamataas na opisyal ng grupo.
Ayon pa kay Matobato, kapag kilala ang biktima o big time, pumupunta si Duterte sa laud quarry para tiyaking yun ang target at para manood na rin sa pag-chop chop ng bangkay.
Bukod kay Duterte, kinasuhan din ni Matobato sina PNP Chief Ronald dela Rosa, Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, Bienvenido Laud at SPO3 Arthur Lascanas na ayon kay Matobato ay second in command kay Duterte.
By Judith Larino