Pumalo na sa record high ang consumer confidence ng mga Pilipino mula noong 2007.
Ayon sa consumer expectation survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot na sa 9.2 percent ang consumer confidence index ng mga Pilipino.
Sinabi ng BSP na kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng consumer confidence ay ang paniniwalang gumaganda ang takbo ng gobyerno, pagdami ng maraming trabaho at ang pagpapatuloy ng mga programa na nasimulan ng nakalipas na administrasyon.
Binigyang diin din ng BSP na maliban sa mga nabanggit na dahilan, sadyang mas masaya din ang mga Pilipino dahil holiday season.
By Katrina Valle