Asahan na ang bigtime oil price hike sa mga produktong petrolyo, anumang araw ngayong linggo.
Ayon sa mga source ng DWIZ sa industriya ng langis, papalo sa 1.40 hanggang 1.70 kada ltro ang dagdag presyo sa gasolina.
Mula 1.30 hanggang 1.40 naman ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang maglalaro naman sa 1.40 hanggang 1.50 ang taas presyo sa kada litro ng kerosene.
Sa ngayon, hinihintay pa ang anunsyo ng mga oil company hinggil sa bigtime oil price hike.
By: Mheann Tanbio