Umaasa si Vice President Leni Robredo na magpapatawag ng pulong si Liberal Party Interim President at Senador Kiko Pangilinan sa Enero ng susunod na taon.
ito’y upang pag-usapan ang direksyong kanilang tatahakin sa harap na rin ng iba’t ibang mga usaping bumabalot sa bansa sa kasalukuyan.
Kasunod nito, sinabi ng Bise Presidente na nais niyang samantalahin ang pulong upang kausapin sina Pangulong Noynoy Aquino at dati niyang running mate na si Mar Roxas.
Ngunit paglilinaw ni Robredo, bagama’t nais pa rin niyang suportahan ang kasalukuyang administrasyon sa mga magagandang polisiya, sinabi nito na mas magiging maingay ang kaniyang pagtutol sa mga hakbang na posibleng maging banta sa demokrasya.
Huling nakausap ni Robredo sina ginoong Aquino at Roxas nang magpasya siyang tumiwalag sa gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Jaymark Dagala