Nanindigan ang Commission on Human Rights o CHR na hindi kailanman masusugpo ang malalang krimen sa bansa sa pamamagitan ng pagbabalik sa parusang kamatayan o death penalty.
Ito ang pahayag ng CHR makaraang lumusot na sa komite ng Kamara ang nasabing panukala na nakatakda nang ilatag sa plenaryo para sa debate.
Kasunod nito, sinang-ayunan din ng CHR ang naging babala ng United Nations hinggil sa posibleng pagbali ng Pilipinas sa nilagdaan nitong kasunduan hinggil sa pagbuwag ng parusang bitay.
Gayunman, umaasa ang komisyon na magbabago pa ang isip ng mga mambabatas na pabor sa nasabing panukala upang tuluyan na itong huwag ipasa at maideretso sa basurahan.
By: Jaymark Dagala