Nananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga supermarkets.
Ayon kay Steven Cua, Pangulo ng PAGASA o Philippine Amalgated Supermarkets Association, walang anumang indikasyon sa ngayon na gagalaw ang presyo ng mga grocery items.
“The supply and the prices are very stable, pagbaba? May ilang bumaba na presyo noong May, for example ay kape, yung mga leading brands nagbaba, because of the urging of DTI, pero right now, wala pa namang abiso kung tataas o bababa.” Ani Cua.
Samantalahin
Pinayuhan naman ng Philippine Amalgated Supermarket Association o PAGASA ang mga local manufacturers ng de lata na samantalahin ang mataas na presyo ng mga imported canned goods para i-highlight ang sariling produkto.
Ipinaliwanag ni Steven Cua, Pangulo ng PAGASA, na ang mas mataas na presyo ng mga imported canned goods tulad ng luncheon meat ay posibleng resulta ng tamang deklarasyon ng mga importer sa Bureau of Customs.
Sa ngayon, ang luncheon meat na dating nabibili sa halagang mahigit sa P70 ay pumapalo na sa halos P100 ang kada lata.
“People are declaring their items in more realistic prices, that’s why medyo tumaas din ang mga items na ito, siguro this is the price we pay for a cleaner government, taste develop, nadedevelop natin ang taste eh, so after a while, haluan mo ang imported ng local, slowly you’ll acquire the taste hanggang sa masanay ka, then malaki ang matitipid mo.” Paliwanag ni Cua.
By Len Aguirre | Ratsada Balita