Handa nang ipadala ng China sa Pilipinas ang mga armas na inorder ng pamahalaan isang buwan matapos ipatigil ng US ang pagbebenta ng 26,000 rifle sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Northern Luzon Command sa Camp Aquino, Tarlac City, inihayag ng Pangulo na minamadali na siya ng Tsina upang tanggapin ang mga biniling armas.
Hindi naman idinetalye ng Pangulo ang halaga at kung gaano karami ang inorder ng armas na babayaran sa loob ng 25 taon.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino