Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command na sampung (10) miyembro ng Abu Sayyaf Group at tatlong (3) sundalo ang patay sa sagupaan ng magkabilang panig sa Bud Taming, Brgy. Kabbontakkas, Patikul, Sulu.
Ayon kay Major Filemon Tan, Spokesman ng WESMINCOM, mahigit kumulang 150 bandido ang naka-engkuwentro ng militar sa pangunguna ng pinuno ng grupo na si Radullan Sahiron.
Tumagal ng dalawang oras ang bakbakan na nagresulta rin sa pagkakasugat ng 21 sundalo at 6 na bandido.
Tuluy-tuloy naman ang operasyon ng AFP laban sa mga bandido para masagip pa ang nalalabing bihag ng grupo.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)