Posibleng sa Enero 2017 na maitakda ang hearing ng Senate Ethics Committee hinggil sa inihaing ethics complaint ng Kamara laban kay Senador Leila De Lima.
Ayon kay Senate Majority Floorleader Tito Sotto, ito’y dahil baka hindi na siya maka-master ng quorum dahil nasa christmas mode na ang marami, bukod pa sa nasa labas ng bansa si De Lima.
Sinabi pa ni Sotto na bilang Chairman ng Ethics Committee, pag-aaralan muna niya ang natanggap na reklamo dahil malinaw na may jurisdiction sila rito dahil sa ginawang pagpayo ni De Lima sa dating driver-lover na si Ronie Dayan na huwag dumalo sa House Hearing.
Anuman ang maging resulta ng gagawing pag-aaral ni Sotto sa form and substance, bibigyan niya ng kopya ang mga miyembro ng Ethics Committee.
Ayon pa kay Sotto, paghaharapin nila sina De Lima at ang kinatawan ng Kamara De Representantes para direktang masagot ng senadora ang reklamo at maidepensa naman ng kongreso ang kanilang ethics complaint.
Sa oras na expulsion ang maging penalty laban kay De Lima, dapat itong dumaan sa pag-apruba ng 2/4 votes o katumbas ng 16 na senador.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno