Itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang yellow warning level sa Metro Manila, Cavite, Quezon, Bulacan, Laguna at Rizal na nanganganib ang pagbaha.
Patuloy ding inuulan ang ilang lugar, kabilang ang kalakhang Maynila, Batangas, Bataan, at Pampanga na maaaring tumagal ng hanggang tatlong oras.
Pinapayuhan din ng weather agency ang publiko at ang Disaster Risk Reduction and Management Council na mag-ingat at maghanda sa posibleng pagbaha.
Binabantayan naman ng PAGASA ang isang Low Pressure Area o LPA na nasa layong 75 kilometro timog timog-silangan ng Alabat, Quezon.
Samantala, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cavite bunsod pa rin ng walang tigil na pag-ulan.
By Jelbert Perdez