Determinado si Vice President Leni Robredo na maging pangunahing kritiko sa madugong kampanya kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Robredo, nakababahala na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa kampanya kontra droga simula pa noong Hulyo kung saan karamihan umano ay extrajudicial killings.
Ibinabala rin ng Bise Presidente na maaaring magkaroon ng masamang epekto sa publiko ang drug war maging ang pagsuporta ng Pangulo sa mga pulis na sangkot sa pagpatay.
Gayunman, nilinaw ng VP Robredo na hindi naman siya kontra sa war against drugs kundi sa kaliwa’t kanang patayan.
Samantala, hindi naman kumbinsido si Robredo sa pagtitiyak ni Pangulong Duterte na walang nagpaplanong patalsikin siya sa puwesto bilang Pangalawang Pangulo.
By Drew Nacino