Tinawag na kuwentong kutsero ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang balitang papalitan umano siya ni dating Pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon sa House Speaker, hindi niya batid kung nananaginip lamang ang nagpakalat ng naturang balita o di kaya’y pinaglalaruan lamang nito ang publiko.
Giit pa ni Alvarez, mas gugustuhin umano niyang manatili bilang House Speaker kaysa mailipat sa Department of Transportation na itinuturing niyang isang demotion.
Napaulat na ipupuwesto si Alvarez sa Transportation Department kapalit ng kasalukuyang kalihim na si Arthur Tugade na nauna nang nakalusot sa Commission on Appointments.
By: Jaymark Dagala