Makikipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanyang Chinese Counterpart sa susunod na linggo para pag-usapan ang mga armas na bibilhin ng Pilipinas sa Tsina.
Ayon kay Lorenzana, titingnan niya kung anong klaseng mga armas ang iniaalok ng China at kung saan ito maaaring magamit ng Militar.
Sakali man aniyang handa na itong makuha gaya ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay iuuwi na niya ito sa Pilipinas.
Sa usapin naman ng kalidad ng mga baril, sinabi ni Lorenzana na titignan niya pa ito pero naniniwala naman siya na humusay na ang paraan ng paggawa ng baril ng China sa nakalipas na 20 taon.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal