Handang harapin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang umano’y planong impeachment laban sa kaniya.
Ito’y makaraang dumating sa kaniya ang balita na balak umano siyang tanggalin sa pamamagitan ng impeachment o di kaya’y italaga siya bilang ambassador sa ibang bansa.
Kasunod nito, hinamon pa ni Morales ang nagpakalat ng naturang balita na lumantad at gawin ang kaniyang sinasabi.
Tinawag pa nga niyang isang thankless job ang pagiging Ombudsman kaya’t nagtataka si Morales kung bakit tila may nagkaka-interes sa kaniyang posisyon.
By Jaymark Dagala