Posibleng ma-isolate ang China.
Ayon ito kay Senador Juan Edgardo Angara matapos batikusin ng G7 nations ang ginagawang reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Angara na centuries old na ang ginagawa ng China na katumbas aniya ng modernong pananakop sa hindi nito teritoryo.
Binigyang diin ni Angara na madidiskubre rin ng China na hindi uubra ang unlimited o walang limitasyong kapangyarihan dahil may international law na dapat sundin ang bawat bansa.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)