Hawak na ng Department of Justice (DOJ) ang perang umanoy hininging suhol ng 2 Immigration Officers mula sa kampo ni gambling tycoon Jack Lam.
Gayunman sinabi ni Justice Undersecretary Erickson Balmes na kulang ng 1000 Piso ang 30,000 Pesos na itinurn over sa kanila nina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Halos 5 oras ang itinagal nang pagbibilang ng nasabing pera na bahagi umano ng 50 Million Pesos na iniabot ni dating General Wally Sombero bilang suhol sa dalawang immigration officials.
Pinag aaralan pa ng DOJ kung saan ilalagay ang pera na magsisilbing ebidensya laban kina Lam at iba pang kinasuhan.
By: Judith Larino