Hangad ni Vice President Leni Robredo na malagpasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iniinda nitong mga karamdaman.
Ito’y makaraang aminin ng Pangulo na marami siyang sakit tulad ng migraine, back pain at buerger’s disease na sanhi ng pagbabara ng kaniyang mga ugat dulot ng paninigarilyo.
Giit ng Bise Presidente, kailangan ng bansa ang Pangulo kaya’t kailangan nitong magpalakas ng kaniyang pangangatawan.
Nilinaw din ni Robredo na hindi niya hinahangad na may masamang mangyari sa Pangulo at lalong hindi rin niya nais na pumalit sa posisyon nito bilang punong ehekutibo ng bansa.
By: Jaymark Dagala