Pinasisibak na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Intelligence Chief ng Bureau of Immigration na si Retired General Charles Calima.
Ito’y matapos makaladkad ang pangalan ni Calima sa 50 Milyong Pisong suhulan mula sa kampo ng online gambling operator na si Jack Lam.
Maliban kay Calima, sinibak din ng kalihim ang kaniyang appointee na si Police Supt. Edward Chan bilang Technical Assistant for Intelligence ng Immigration.
Magugunitang kabilang si Calima sa mga inireklamo ng 2 kontrobersyal na Deputy Immigration Commissioner na sina Michael Robles at Al Argosino matapos nitong makakuha ng 18 mula sa kabuuang 50 Milyong Piso na suhol mula kay Lam.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo