Binanatan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga kritiko na tumutuligsa sa proyekto ng pamahalaan.
Sa kanyang pagbisita sa Iloilo City, sinabi ng Pangulong Aquino na nalulungkot siya dahil sa pagsulpot ng ilang mga tutol sa ilang government projects partikular ang Jalaur River Multi-Purpose Project.
Ayon sa Pangulo, malaya ang sinuman na maghayag ng kanilang saloobin, subalit nagtataka aniya siya kung bakit pilit na hinahanapan ang gobyerno ng negatibo.
By Meann Tanbio