Tila binali mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pangako na palalayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal sa buong bansa.
Ito’y ayon sa Makabayan Bloc sa Kamara ay makaraang tablahin ng Pangulo ang pagpapalaya sa may 134 na political prisoners sa dahilang mawawalan siya ng baraha sa gumugulong na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng komunista.
Ayon sa mga mambatas, nadismaya sila sa pinakahuling pahayag ng Pangulo na mistulan anilang hinohostage ang mga political prisoners bilang pagtitiyak na susunod ang partido komunista sa kanilang kasunduan.
Giit ng mga militanteng mambabatas, hindi isang baraha ang mga political prisoners para isugal sa usapang pangkapayapaan dahil biktima ang mga iyon ng social injustice dahil sa mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanila.
By: Jaymark Dagala