Hindi isusuko ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares ang pagharang sa panukalang Economic Charter Change o Cha-Cha.
Ayon kay Colmenares, kahit hindi nailusot ang ikatlo at huling pagbasa sa Cha-Cha sa huling araw ng sesyon ng kamara kahapon, maaari pa rin itong talakayin sa pagbabalik ng house session sa Hulyo 27.
Muling iginiit ni Colmenares na hindi sila bibitiw sa pagtutol sa Cha-Cha na layong isingit ang katagang “unless otherwise provided by law” sa pitong economic provision ng 1987 Constitution.
By Meann Tanbio