Sasabayan ng dayalogo ni running priest Fr. Robert Reyes ang pagdiriwang ng bansa sa Araw ng Kalayaan.
Sa gitna na rin ito ng pagtutol ng mga residente sa Tacloban City sa naka-ambang forced evacuation sa may 3,000 pamilyang nakatira sa idineklarang danger zone sa lungsod.
Gagawin ang dayalogo sa harap ng Tacloban City Hall grounds kasama ang mga apektadong residente na nakaligtas sa hagupit ng super bagyong Yolanda noong 2013.
Kasunod nito, nanawagan din ang pari kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na mabigyan ng makataong tahanan at pamumuhay ang mga nakaligtas na residente.
Magugunitang reklamo ng mga apektadong Yolanda survivors ang distansya ng paglilipatan sa kanila kasabay ng kawalan ng mga pangunahing pangangailangan at malayo rin sa kanilang kabuhayan.
By Jaymark Dagala