Nakatakdang makipagpulong si Elvira Medina, Presidente ng National Center for Commuters Safety and Protection sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay Medina, ito ay upang matiyak na hindi na mauulit ang problema na naranasan ng mga pasahero noong Undas kung saan marami sa mga ito ang inabot ng mahigit 24 oras sa kakahintay ng kanilang bus.
Sinabi ni Medina na mahalagang matugunan ang problema ng kakulangan ng provincial buses lalo na ngayong Pasko, dahil iba ang impact ng Pasko sa mga Pilipino.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Elvira Medina
‘Nose in-nose out policy’
Nakahanda ang provincial buses na tumalima sa anumang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa ikagagaan ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Ito ay kaugnay sa ginawang dry-run para sa nose in-nose out policy kung saan hindi maaring dumaan sa EDSA ang provincial buses.
Ayon kay Elvira Medina, Presidente ng National Center for Commuters Safety and Protection, mahalagang tiyakin ng MMDA na hindi huhulihin ang mga bus na dadaan sa ibang ruta patungo sa kanilang terminal, upang hindi mabalam ang mga pasahero nito.
Sinabi ni Medina na sa kanilang pag-aaral, 7 milyong katao ang pumapasok sa Metro Manila mula sa mga kalapit na lalawigan araw-araw.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Elvira Medina
By Katrina Valle | Ratsada Balita