Sinibak na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ang 3 NBI agents na nagpupuslit umano ng cellphone sa high-profile inmates na mas kilalang “Bilibid 19″.
Sinasabing nagkakahalaga ng P1.5 milyon ang pagpuslit ng kada isang cellphone.
Nabatid na personal na nakuha ni de Lima sa impormanteng inmate na ngayo’y hawak na ng Witness Protection Program (WPP) ang pangalan ng mga ahente.
Hinala ni de Lima, posibleng may sangkot na NBI official sa kontrobersiya.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)