Pinasalamatan ng kampo ni Kerwin Espinosa ang PNP Anti – Illegal Drugs Group sa ligtas na pagkukustodiya sa kanya.
Kasunod ito ng paglilipat sa kanya sa kustodiya ng NBI kagabi.
Ayon kay Atty. Lani Villarino, naging maayos ang pananatili ni Espinosa sa Camp Crame kahit na noong una ay natakot itong magpakustodiya sa PNP.
Umaasa din si Villarino na mabilis na makakapag adjust si Espinosa sa bago nitong piitan.
By: Katrina Bello / Jonathan Andal