Pumanaw na ang legendary NBA broadcaster na si Craig Sager sa edad na 65.
Si Sager ay matagal nang nakikipaglaban sa sakit na leukemia.
Inalala naman ng kanyang pamilya at fans ang higit 3 dekada nito sa larangan ng sports broadcasting na nagbigay inspirasyon sa maraming basketball lovers.
Ani ng ilan hindi nila makakalimutan ang makukulay na kasuotan ni Sager sa NBA interviews at ang kakaibang determinasyon nito habang nasa coverage.
Sinabi naman ni NBA Commissioner Adam Silven na lubos na ikinalulungkot ng buong NBA ang pagpanaw ni Sager.
Dalawang araw bago namatay ay napabilang si Sager sa Sports Broadcasting Hall of Fame na isa sa mga humubog at nagbigay kulay sa sports.