Unti-unti nang naramradaman ang holiday rush, siyam na araw bago ang Pasko.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Metro Manila, inaabot na ng madaling araw ang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada gaya sa mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasig, Pasay, Parañaque at San Juan.
Ito’y bunsod ng unti-unting pagdagsa ng mga mamimili sa mga night market tulad na lamang sa Carriedo, Maynila; Baclaran maging sa Greenhills, San Juan.
Simula pa lamang noong Lunes ay inaabot na ng ala-1:00 ng madaling araw ang traffic sa Ortigas-eastbound patungong C5-Rosario, Pasig City.
Hindi naman mabatid kung ano ang sanhi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa westbound ng Shaw Boulevard patungong Bagong Ilog, Pasig pasado alas-3:00 kaninang madaling araw.
Sa bahagi ng Quezon City, pasado alas-12:00 na ng hatinggabi ay bahagya pa ring mabigat ang daloy ng trapiko sa EDSA-southbound malapit sa kanto ng North Avenue dahil sa nag-uuwiang shopper mula sa dalawang malaking mall.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)