Dapat humingi ng paliwanag ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China kaugnay sa di umano’y patuloy na militarisasyon sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.
Ayon kay dating Congressman Roilo Golez, dapat magpahayag na rin ng pangamba ang DFA dahil malinaw na paglabag sa ruling ng Arbitral Tribunal ang patuloy na paglalagay ng pasilidad ng China sa inaangking teritoryo ng Pilipinas.
Bagamat may mga satellite photos na anyang nakuha sa aktibidad ng China sa Mischief Reef, dapat pa ring magpalipad ng eroplano ang Philippine Air Force upang makumpirma ang mga nalathalang lawaran.
Bahagi ng pahayag ni Roilo Golez
Bagamat sinabi ng China na para sa depensa lamang ang mga inilalagay nilang pasilidad, kumbinsido si Golez na plano rin itong gamitin ng China sa opensiba.
Bahagi ng pahayag ni Roilo Golez
By Len Aguirre | Ratsada Balita