Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pinoprotektahan si PNP CIDG Region 8 Chief Superintendent Marvin Marcos hinggil sa pagkakapatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon sa Pangulo, may mga bagay pa siyang nais malaman kay Marcos gaya na lamang sa kung sino ang mga kasabwat nito kayat nareinstate ito sa pwesto.
Ito ay sa kabila ng pagsisiwalat ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa na tumatanggap ng drug money mula sa kanya si Marcos.
By: Ralph Obina