Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatatanggap ng karampatang benepisyo ang mga sundalo na nakadestino sa Mindanao.
Ito ang inihayag ng Pangulo nang bisitahin nito ang 18 sugatang sundalo sa Camp Navarro General Hospital ng Western MIndanao Command o WESMINCOM sa Zamboanga City.
Maliban sa mga sugatan, nakatanggap din ng tulong pinansyal at cellphone ang pamilya ng 3 sundalong nasawi habang tinutupad ang tungkulin.
Ang mga nabanggit na sundalo ang panibagong casualty kasabay ng nagpapatuloy na opensiba ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu.
By: Jaymark Dagala