Hinikayat ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza si Pangulong Rodrigo Duterte na palayain na ang mga bilanggong nakapagsilbi na ng kanilang sentensya.
Panawagan ng mambabatas, atasan ng Pangulo ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na magsagawa ng imbentaryo ng mga preso na napagsilbihan ang kanilang mga sentensya sa loob ng mahabang panahon.
Dahil aniya sa mabagal na judicial system sa bansa, napapabayaan na ang mga bilanggo na kahit tapos na ang sintensya ay nananatili pa ring nakakulong hanggang sa abutin na ng kamatayan.
Giit ni Atienza, posibleng malabag ng pamahalaan ang karapatang pantao alinsunod sa saligang batas na nagbibigay ng patas at makatuwirang pagtrato sa lahat ng mga Pilipino.
By: Jaymark Dagala