Hinamon ng debate ni Pangulong Rodrigo Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard kaugnay sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa.
Ito’y makaraang umatras si Callamard sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas dahil sa hindi umano sila nagkasundo ng pamahalaan na sundin ang mga itinakdang kundisyon ng UN sa pag-iimbestiga.
Giit ng Pangulo, may mga nakalatag na siyang tanong kay Callamard para patunayan na walang kinalaman ang gubyerno sa mga nagaganap na patayan lalo na kung ito’y sa labas ng mga lehitimong operasyon ng mga awtoridad.
By: Jaymark Dagala