Nasisira ang pagiging inosente ng mga mag-aaral sa programa ng Department of Health na mamamahagi ng libreng condom sa mga paaralan.
Sinabi sa DWIZ ni Lingayen-Dagupan retired Archbishop Oscar Cruz na nahihiya siya sa nabanggit na programa.
Una, hindi aniya libre ang ipamamahaging condom at may negosyo aniya sa likod ng programa.
Marami aniyang dapat isipin at gawin sa halip na pagtuunan ang pagtuturo ng paggamit ng condom sa mga high school.
By: Aileen Taliping