Inanunsyu ni Manila Mayor Joseph Estrada na ipapatupad nya ang “one-strike” policy laban sa mga traffic enforcers ng lokal na pamahalaan na palaging absent o sangkot sa mga iligal na gawain.
Bahagi ng bagong palisiya, sinabi ni Estrada na magdadagdag sya ng undercover agents sa mga kalsada para sa mga kurap at tamad na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB.
Matatandaan noong Nobyembre 28 ay kinansela ni Estrada ang job contracts ng 690 myembro ng MTPB, matapos makatanggap ng mga reklamo galing sa mga motorista sa umano’y pangingikil nito.
By: Race Perez