Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may nagbabadyang sama ng panahon sa darating na Pasko.
Ayon sa weather agency, posible kasing mabuo ang isang low pressure area o LPA sa Pacific Ocean ngayong linggo.
Samantala, patuloy na nakakaapekto sa hilaga at gitnang luzon ang northeast monsoon o hanging amihan.
Bahagya hanggang katamtamang mga pag-ulan at isolated thunderstorms ang inaasahang iiral sa mga rehiyon ng Bicol, eastern Visayas, Caraga, Davao at Quezon province.
Ayon sa PAGASA, makakaranas naman ng maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan ang mga rehiyon ng Cordillera, Cagayan Valley at Probinsya ng Aurora.
Iiral din ang isolated light rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, at iba pang bahagi ng bansa.
By Jelbert Perdez