Magsasagawa ng malawakang reshuffle ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa hanay ng mga unit commanders sa mga susunod na linggo.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, ito’y kasunod ng pagreretiro ng ilang opisyal at pagkaka-promote ng iba pa sa mas mataas na posisyon.
Hindi naman matukoy ni Padilla kung anu-anong major units ang tatamaan ng reshuffle dahil wala pa umano itong natatanggap na abiso mula sa ‘Board of Generals.’
By Jelbert Perdez